/
PAMPUBLIKONG PANANAGUTAN: PAMPUBLIKONG PANANAGUTAN:

PAMPUBLIKONG PANANAGUTAN: - PowerPoint Presentation

donetrand
donetrand . @donetrand
Follow
347 views
Uploaded On 2020-10-22

PAMPUBLIKONG PANANAGUTAN: - PPT Presentation

PAGKUHA NG TULONG NA IYONG KAILANGAN Ang mga bagong pagbabago ay naharang ng paunang paguutos ng hukuman sa buong bansa na nangangahulugan na ang panuntunan ay wala pang bisa Ang mga pamilya ay dapat manatili sa mga programa sa pampublikong benepisyo na kasalukuyan nilang ginagamit ID: 815600

ang mga pampublikong hindi mga ang hindi pampublikong para iyong kung tulong pamilya pananagutan programa ito pang pagbabago iyo

Share:

Link:

Embed:

Download Presentation from below link

Download The PPT/PDF document "PAMPUBLIKONG PANANAGUTAN:" is the property of its rightful owner. Permission is granted to download and print the materials on this web site for personal, non-commercial use only, and to display it on your personal computer provided you do not modify the materials and that you retain all copyright notices contained in the materials. By downloading content from our website, you accept the terms of this agreement.


Presentation Transcript

Slide1

PAMPUBLIKONG PANANAGUTAN: PAGKUHA NG TULONG NA IYONG KAILANGAN

Ang mga bagong pagbabago ay naharang ng paunang pag-uutos ng hukuman sa buong bansa na nangangahulugan na ang panuntunan ay wala pang bisa. Ang mga pamilya ay dapat manatili sa mga programa sa pampublikong benepisyo na kasalukuyan nilang ginagamit. Hindi rin bibilangin ng panuntunan ang anumang mga programa (maliban sa pera o pangmatagalang pangangalaga) na ginamit bago magkakabisa ang panuntunan. Mayroon ka pang panahon upang gumawa ng pasya kung manatiling nakatala sa nanganganib na papublikong mga programa.Ang mga programang ginagamit ng iyong mga anak na mamamayan ng Estados Unidos ay hindi gagamitin laban sa iyo.

PAGGAWA NG TAMANG PASYA PARA SA IYONG PAMILYA

ANG MGA PAGBABAGO AY WALA PANG BISA

MGA PAGBABAGO SA PAMPUBLIKONG PANANAGUTANBinabago ng pamahalaan kung paano ito gumagawa ng mga pasya sa pampublikong pananagutan. Ang mga opisyal ng imigrasyon ay titingnan nang mas malapit ang mga salik na tulad ng kalusugan, edad, kita, mga kasanayan (kabilang ang mga kasanayan sa wikang Ingles), at paggamit ng higit pang pampublikong mga programa, kabilang ang: • CalFresh (SNAP, “EBT” o mga “Selyo sa Pagkain”) • Pederal na Pampublikong Pabahay at tulong sa Seksyon 8 (Voucher at tulong Batay sa Proyekto) • Medi-Cal (maliban para sa mga serbisyong pang-emerhensiya, mga batang wala pang 21 taong gulang, mga babaeng buntis, mga bagong ina sa 60 araw pagkatapos ng panganganak, pagpapalawig ng Medi-Cal na pinopondohan ng estado para sa DACA, at hindi dokumentadong mga bata at kabataan) • Mga programa sa tulong na pera (tulad ng SSI, TANF- CalWORKs, Pangkalahatang Tulong)***Ang mga serbisyong hindi nakalista sa itaas ay hindi bibilangin sa bagong pagsusuri ng pampublikong pananagutan. Kabilang dito ang WIC, CHIP, mga tanghalian sa paaralan, mga imbakan ng pagkain, mga kanlungan, at marami pa – ang mga programang ito ay ligtas na kunin kung kwalipikado ka.

ANO ANG PAMPUBLIKONG PANANAGUTAN?Ang “pampublikong pananagutan” o ang “pagsusuri sa pampublikong pananagutan” ay ginagamit ng mga opisyal ng imigrasyon upang magpasya kung ang isang tao ay maaaring pumasok sa Estados Unidos o kumuha ng green card [legal na permanenteng residente o “LPR (Lawful Permanent Resident)” na katayuan]. Sa pagsusuring ito, titingnan ng mga opisyal ang lahat ng kalagayan ng isang tao, kabilang ang kita, trabaho, kalusugan, edukasyon o kasanayan, sitwasyon ng pamilya at kung ang tagapagtaguyod ay pumirma ng kontrata (“sinumpaang salaysay ng suporta”) na nangangakong suportahan ang tao. Ang mga opisyal ay maaari ring tingnan kung ang tao ay gumamit ng ilang mga programa sa benepisyo (sa nakaraan, tulong na pera at pangmatagalang pangangalaga lamang ang binilang).

Ang bawat pamilya ay magkaiba, at ang mga programa na tumutulong sa iyong pamilya ay maaaring hindi naman kasama sa bagong mga pagbabago. Alam naming nag-aalala ka sa kasalukuyang klima sa politika – ngunit kung mas marami tayong alam tungkol sa ating mga karapatan, mas mahirap para kay Trump na takutin tayo. Maraming mga tao at organisasyon ang makatutulong sa iyo. Ang abogado sa imigrasyon na pamilyar sa isyu ay makapagbibigay sa iyo ng payo batay sa iyong partikular na sitwasyon. Ang lokal na mga hindi-pangkalakal ay maaaring magbigay ng tulong at legal na payo. Para sa libre o abot kayang mga opsyon, bumisita sa: https://www.thelibreproject.org/public-charge.html

IPINANIBAGO NOONG OKTUBRE 2019

PARA SA KARAGDAGANG MGA MAPAGKUKUNAN, PUMUNTA SA http://www.protectingimmigrantfamilies.org/

AGOSTO 14, 2019

Ang panghuling panuntunang inilathala sa Pederal na Rehistro

AGOSTO 14, 2019 – Oktubre 15, 2019 (60 ARAW NA PANAHON)Ang legal na mga paghamon ay isinulong upang pigilan ang panuntunan. Mayroon ka ring panahon upang kumausap ng isang eksperto tungkol sa iyong sitwasyon. Labanan ang takot gamit ang katotohanan – ALAMIN ANG IYONG MGA KARAPATAN!

OKTUBRE 11, 2019

Ang bagong mga pagbabago ay naharang. Ang panuntunan ay HINDI magkakabisa at kasalukuyang nakapigil.

Slide2

Ang pampublikong pananagutan at anumang mga pagbabago sa ilalim ng panuntunang ito ay

HINDI aapekto sa iyo. Gayunpaman, kung plano mong lumabas ng bansa nang higit sa 6 na buwan, magandang ideya na kumausap ng abogado sa imigrasyon.

Ang pagsusuri sa pampublikong pananagutan ay

HINDI naaangkop sa ilang mga imigrante, kabilang ang mga kategoryang nakalista dito. Kung mayroon ka na o nasa proseso ng pag-aplay para sa isa sa mga katayuan sa imigrasyon na ito, maaari kang magpatuloy na gumamit ng anumang mga programa ng pamahalaan na kwalipikado ka. Ang mga benepisyong natanggap habang ikaw ay nasa katayuang ito ay hindi bibilangin laban sa iyo sa hinaharap, kahit pa ikaw ay nag-aaplay para sa green card sa iba pang batayan.

Kung hindi ka sigurado kung naaangkop sa iyo ang patakarang ito, inirerekomenda namin na humiling ka ng payo mula sa isang abogadong nakakaunawa ng bagong mga pagbabago. Kung hindi ka napapailalim sa pagsusuri sa hindi pagkatanggap sa pampublikong pananagutan, inirerekomenda namin na kumuha ka ng tulong na kailangan mo at ng iyong pamilya.Ang mga tanggapan ng konsulado ng Estados Unidos sa ibang bansa ay gumagamit ng ibang mga panuntunan sa paggawa ng pasyang ito. Dapat kang kumausap ng isang eksperto para sa payo tungkol sa iyong kaso bago gumawa ng anumang mga pasya. Para sa libre o abot-kayang mga opsyon malapit sa iyo mangyaring bumisita sa:https://www.immigrationadvocates.org/nonprofit/legaldirectory

IPINANIBAGO NOONG OKTUBRE 2019PARA SA KARAGDAGANG MGA MAPAGKUKUNAN,

PUMUNTA SA http://www.protectingimmigrantfamilies.org/

PAMPUBLIKONG PANANAGUTAN: PAGKUHA NG TULONG NA IYONG KAILANGAN

Ikaw ba ay nag-aaplay para sa o mayroon ng isa sa sumusunod na mga katayuan?

Pagkamamamayan ng Estados Unidos, Pagpapanibago ng green card, Pagpapanibago ng DACA o TPS, U o T na Bisa, Katayuang asylum o takas (refugee), o Katayuang

Espesyal na Kabataang Imigrante

Ikaw ba o mga miyembro ng iyong pamilya ay mayroon nang mga green card?

Plano ba ng iyong pamilya na mag-aplay para sa green card o bisa mula sa loob ng Estados Unidos?Plano ba ng iyong pamilya na mag-aplay para sa green card o bisa mula

sa labas

ng Estados Unidos?

Related Contents


Next Show more