/
ANG PAGBABAGONG-LOOB NI PABLO ANG PAGBABAGONG-LOOB NI PABLO

ANG PAGBABAGONG-LOOB NI PABLO - PowerPoint Presentation

jiggyhuman
jiggyhuman . @jiggyhuman
Follow
354 views
Uploaded On 2020-11-06

ANG PAGBABAGONG-LOOB NI PABLO - PPT Presentation

Liksyon 5 para sa ika4 ng Agosto 2018 Apostol ng Sanhedrin Paguusig sa Iglesia Gawa 912 Pagsipa laban sa pantaboy Gawa 939 Apostol ni Hesus ID: 816691

mga ang siya gawa ang mga gawa siya pablo kanyang saulo upang niya hesus jerusalem apostol dios iglesia sanhedrin

Share:

Link:

Embed:

Download Presentation from below link

Download The PPT/PDF document "ANG PAGBABAGONG-LOOB NI PABLO" is the property of its rightful owner. Permission is granted to download and print the materials on this web site for personal, non-commercial use only, and to display it on your personal computer provided you do not modify the materials and that you retain all copyright notices contained in the materials. By downloading content from our website, you accept the terms of this agreement.


Presentation Transcript

Slide1

ANG PAGBABAGONG-LOOB NI PABLO

Liksyon 5 para sa ika-4

ng Agosto

, 2018

Slide2

Apostol ng Sanhedrin.

Pag-uusig

sa Iglesia. Gawa 9:1-2Pagsipa laban sa pantaboy. Gawa 9:3-9Apostol ni Hesus.Pagbagong-loob ni Pablo. Gawa 9:10-18Si Pablo sa Damascus. Gawa 9:19-25Si Pablo sa Jerusalem. Gawa 9:26-31

Matapos batuhin si Esteban, pinayagan ng Sanhedrin si Saulo ng Tarsus (Pablo) upang usigin ang mga tagasunod ni Hesus ng Nazareth. Naging “apostol” ng Sanhedrin si Saulo upang wasakin ang sectang tinawag na “ang Daan”Ngunit namagitan si Hesus upang magpailalim sya sa Kanyang pangunguna. May lugar Siya kay Pablo sa Kanyang hanay bilang apostol sa mga Hentil.

Slide3

Gawa 9:1-2

PAG-UUSIG SA IGLESIA

“Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng

mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote, At humingi sa

kaniya

ng mga

sulat

sa

Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.” (Gawa 9:1-2)

Ipinaliwanag ni Saulo na taos-puso syang naniwala na ang kanyang tungkulin ay usigin ng matindi ang mga nananampalataya kay Hesu Kristo (Gawa 26:9-11)Ang taong namatay sa krus ay sinumpa ng Dios, kaya hindi niya matanggap na ang Mesias ay namatay sa ganitong paraan (Deuteronomio 21:22-23)Binigyan siya ng utoridad ng Sanhedrin, kaya siya ay naging kanilang shalia, isang opisyal na mensahero. Ang Griegong salita na shalia ay apóstolos (apostol). Si Saulo ay apostol ng Sanhedrin.Naglakbay siya pahilaga ng 220 km papuntang Damascus. Sinadya niyang arestohin ang mga mananampalataya ng “ang Daan” at dalhin sila sa Jerusalem upang litisin sa maling paniniwala.

Slide4

Gawa

9:3-9

PAGSIPA LABAN SA PANTABOY“At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon

? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig.” (Gawa 9:5)Lahat na kasama ni Saulo ay nakakita ng liwanag at natumba sa lupa, ngunit siya lang ang nabulag. Si Saulo lang ang nakaunawa ng tinig dahil ito ay pangitain na

inihanda para sa kanya.Inuusig

ni Saulo ang Iglesia, ngunit itinuring

ni

Hesus

ni Siya ang inuusig ni Saulo. “sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.” (Zeccarias 2:8)Ang pantaboy ng baka ay mahabang patpat na may matalim na bakal sa dulo. Ginagamit ito ng mga magsasaka para gabayan ang mga alaga nilang hayop. Ang pagsipa dito ay magdudulot lamang ng sakuna.Sinisipa ni Saulo ang “pantaboy” ng kanyang konsyensya, dahil nagduda siya na si Hesus ang tunay na Mesias. Nang Makita niya ang mukha ng nabuhay na si Hesus, bumagsak ang kanyang mga dahilan.

Slide5

Gawa

9:10-18

PAGBAGONG-LOOB NI PABLO“At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang

mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at siya'y binautismuhan.” (Gawa 9:18)Handa si Pablo na

sumunod kay Hesus at nagtanong sa Kanya

, “ano ang nais Mong gawin ko?” At,

naging

bulag

siya ng tatlong araw.Tinalikuran ni Pablo ang kanyang posisyon bilang apostol ng Sanhedrin at naging apostol ni Hesus.Tinawagan si Ananias sa ganuong pakay. May mga makatuwiran siyang pagduda, ngunit sa huli’y nagkita sila ni Pablo. Ibinalik niya ang kanyang paningin at pinagtibay ang kanyang banal na pagkatawag. Hinimok ni Ananias si Pablo na magpabinyag at maging bahagi ng Iglesia.Kailangan niyang makipagkita sa Iglesia at magpabilang dito. Pagkatapos ay makakagawa siyang kasama

ng Iglesia.

Slide6

Gawa 9:19-25

SI PABLO SA DAMASCUS

“At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa

mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.[…] At nang maganap ang

maraming mga

araw

, ay

nangagsanggunian

ang mga Judio upang siya'y patayin.” (Gawa 9:20, 23)Ang kaparehong tao na pumunta upang arestohin ang mga nananampalataya sa “huwad na mesias” ay nagtatanggol

sa kanila sa mga sinagoga.Pinapatunayan din niya sa kasulatan na si Hesus ang tunay na Mesias.Naalarma ang mga Hudio at humingi ng suporta sa mga namumuno sa bayan upang arestohin si Pablo (2 Corinto 11:32-33)Tinulungan si Pablo ng mga mananampalataya at pinababa siya sa pader sa pamamagitan ng malaking kaing.Hindi nadismaya ang bagong apostol sa pangyayaring ito, dahil binabalaan na siya na maghihirap siya para sa kanyang Guro (Gawa 9:16)

Slide7

Gawa 9:26-31

SI PABLO SA JERUSALEM

“At nang siya'y dumating sa Jerusalem, ay pinagsikapan niyang makipisan

sa mga alagad: at silang lahat ay nangatakot sa kaniya, sa di paniniwala na siya'y alagad.” (Gawa 9:26)Hindi naniwala ang

iglesia

sa Jerusalem na

tunay

ang pagbagong-loob ng malupit na mang-uusig, kahit tatlong taon nang nahikayat noon si Pablo.Ginamit ng Dios si Bernabe upang itigil ang masamang palagay na ito.Pinagpatuloy

ni Pablo ang Gawain ni Esteban sa Jerusalem; ang gawain ipinatigil niya noon. Ang kanyang pangangaral ay tinanggihan ding kagaya ng kay Esteban. Ang buhay ni Pablo ay nanganib.Nagpadala ng pangitain upang himukin siyang umalis sa Jerusalem (Gawa 22:17-21). Tinulungan uli siyang makatakas ng kanyang mga kapatid.

Slide8

Ang

aklat ng Gawa at Galacia ay nagsasabi ng mga lakad ni Pablo mula sa kanyang pagkahikayat patungo sa

kanyang unang misyonerong paglalakbay.

Slide9

“Palaging ibinibigay ng Dios

ang

gawin ng kanyang manggagawa. Narito ang pagtutulungan ng Dios at ng tao. Iyon ang taong

gumagawa sa pagtatapat sa banal na liwanag na ibinigay. Kung nagsabi si Saulo, Panginoon, hindi na ako nahihilig sa pagsunod sa Iyong mga direksyon upang maligtas ako

, kahit sampung beses

pa ang lakas ng

liwanag

na nakita ni Saulo, ay wala parin itong saysay.Gawain ng tao na makiisa sa Dios. At napakahirap, pinakamahigpit na kalaban ang kasama ng hangarin at pagpili ng tao sa pagkiling ng kalooban at paraan sa kalooban at kaparaanan ng Dios, na umaasa sa mabiyayang impluwensya na sumasama sa kaniya sa buong

buhay niya […] Gawin at sundin ang pangunguna ng Banal na Espiritu.”E.G.W. (Mind, Character, and Personality, vol. 2, cp. 84, p. 757)