/
MINISTERYO SA IGLESIA SA BAGONG TIPAN MINISTERYO SA IGLESIA SA BAGONG TIPAN

MINISTERYO SA IGLESIA SA BAGONG TIPAN - PowerPoint Presentation

dailyno
dailyno . @dailyno
Follow
347 views
Uploaded On 2020-08-29

MINISTERYO SA IGLESIA SA BAGONG TIPAN - PPT Presentation

Liksyon 9 para sa ika31 ng Agusto 2019 Naglilingkod sa loob ng Iglesia Naglilingkod sa labas ng Iglesia Naglilingkod sa ibang kapulungan Paglilingkod ID: 811231

mga ang upang iglesia ang mga iglesia upang hindi nangangailangan walang ating dapat ito gawa tayo ebanghelyo kanilang iba

Share:

Link:

Embed:

Download Presentation from below link

Download The PPT/PDF document "MINISTERYO SA IGLESIA SA BAGONG TIPAN" is the property of its rightful owner. Permission is granted to download and print the materials on this web site for personal, non-commercial use only, and to display it on your personal computer provided you do not modify the materials and that you retain all copyright notices contained in the materials. By downloading content from our website, you accept the terms of this agreement.


Presentation Transcript

Slide1

MINISTERYO SA IGLESIA SA BAGONG TIPAN

Liksyon 9 para sa ika-31 ng Agusto, 2019

Slide2

Naglilingkod sa loob ng IglesiaNaglilingkod sa labas ng

IglesiaNaglilingkod sa ibang kapulunganPaglilingkod bilang paraan ng

pamumuhay:Si Pablo at paglilingkodSi Santiago at paglilingkod

Inatasan

tayo

ni Jesus upang ipangaral ang Ebanghelyo sa mundo, gumawa ng mga alagad at bautismuhan sila.Sinunod ng naunang Iglesia ang halimbawa ni Jesus sa pagkalinga sa mga nangangailangan sa loob at labas ng Iglesia habang ipinapangaral ang Ebanghelyo.

Slide3

NAGLILINGKOD SA LOOB NG IGLESIA“Sapagka't walang sinomang

nasasalat sa kanila: palibnasa'y ipinagbili ng

lahat ng may

mga

lupa o

mga bahay ang mga ito, at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili. At ang mga ito'y inilagay sa mga paanan ng mga apostol: at ipinamamahagi sa bawa't isa, ayon sa kinakailangan ng sinoman.” (Gawa 4:34-35)Lumago ng doble-doble ang iglesia sa gabay ng Banal na Espiritu. Ang mga bagong kaanib ay “nangagkakaisa ang puso at kaluluwa.” (Gawa 4:32)Nagbabahagi ang mayroong marami sa mga walang kanila, kaya walang nangangailangan.Matapos ang ilang panahon, naging mahirap ang pagbabahagi ng tulong

sa mga nangangailangan, kaya nagtalaga ang

Iglesia ang pitong diakono na

mag-aayos sa pamamahagi.Hindi

nagpatuloy ang ganitong systema ng magbabahagi

sa ibang Kristianong komonidad maliban

sa

Jerusalem,

ngunit nagtatag ito ng pundasyon ng pagkalinga sa nangangailangan.

Slide4

NAGLILINGKOD SA LABAS NG IGLESIA“Ngayon ay may isang alagad sa

Joppe na nagngangalang Tabita, na ang kahuluga'y Dorcas: ang

babaing ito'y puspos ng

mabubuting

gawa at ng pagkaawang gawa na kaniyang ginagawa.” (Gawa 9:36)Ang syudad ng Joppe ay nabiyayaan ng malaki ng paglilingkod ng isang kristyanong babae, si Dorcas.Ginawan niya ng damit ang mga nangangailangan nito. Nagbigay din siya ng mga donasyon upang matugunan ang panganga-ilangan ng mahihirap.Hindi lang niya tinulungan ang mga myembro ng Iglesia, ngunit kahit sinong nangangailangan.Namatay si Dorcas at tinawag ng Iglesia si Pedro. Ipinakita nila

sa kanya kung paano siya tumulong

sa mga balo at mahihirap.

Ang pagtulong sa iba na

hindi nag-iisip ng sarili ay hindi madali

. Ang buhay ng paglilingkod ay nangangailangan ng pagtanggi

sa

sarili, ngunit ang impluwensya nito sa buhay ng iba

ay

walang

hanggang

ang

kahihinatnan

.

Slide5

NAGLILINGKOD SA IBANG KAPULUNGAN“Ang inyong kasaganaan

ay naging abuloy sa panahong ito

sa kanilang

kakulangan

,

upang

ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong kailangan; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay.” (2 Corinto 8:14)Nagkaroon ng hindi pagkakasundo nang tumanggap sa Ebanghelyo ang mga Gentil. Isang konseho ang tinawagan upang mag-ayos nito (Gawa 15).Hinilingan si Pablo ng magturo sa mga Gentil ng ilang natatanging doktrina at upang kalingain ang mga mahihirap. (Galacia 2:10).Nang nakaranas ng taggutom ang Iglesia sa Jerusalem, Nagpalikom ng handog si Pablo sa mga iglesia ng Gentil upang itulong sa kanila.Kailangang tumulong ng lokal na iglesia upang matugunan ang pangangailangan ng ibang kongregasyon, hindi

lang ng kanilang pangangailangan.

Slide6

“Tanging sa hindi makasariling paghahangad para sa mga nangangailangan

ng tulong natin maibibigay ang praktikal

na pagpapahayag ng katotohanan ng

ebanghelyo

Mas

higit pa kaysa pagsermon lamang ang kabilang sa pangangral ng ebanghelyo. Ang mga ignorante ay dapat mapaliwanagan; dapat maitaas ang mga dismayado; dapat mapagaling ang may sakit. Kailangang gawin ng boses ng tao ang bahagi nito sa gawain ng Dios. Mga salita ng paglalambing, simpatya, at pag-ibig ay dapat magpatotoo sa katotohanan.”E.G.W. (Welfare Ministry, cp. 3, p. 32)

Slide7

SI PABLO AT PAGLILINGKOD“Mapagdamay sa mga

kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy

.” (Roma 12:13)

Sa Roma 12, itinuro ni Pablo kung paano tayo dapat mamuhay at makitungo sa iba bilang isang "haing buhay

" (v. 1):

Slide8

SI SANTIAGO AT PAGLILINGKOD“Ang dalisay

na relihion at walang dungis sa harapan

ng ating Dios at Ama ay ito,

dalawin

ang

mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.”(Santiago 1:27)Si Santiago ay kapatid ni Jesus at isa sa mga haligi ng Iglesia (Galacia 2:9). Itinuturing siya ng mga taga- Jerusalem na santo at matuwid na tao.Tinuruan niya tayo sa kanyang mga sulat kung paano maglingkod sa iba:Ilagay sa kilos ang ating pananampalataya (1:22)Tulungan ang mga nangangailangan (1:27)Pigilan ang hindi pagkakapantay (2:1-4)Damitan ang hubad at pakainin ang gutom (2:15-16)Gumawang may hustisya (5:4)

Ang

ating

paglilingkod

ang

nakikitang resulta ng ating pananampalataya (2:14-17).

Slide9

“Iingatan ni Kristo ang pangalan ng mga tumuturing na walang napakamahal na handog

ang maaalay sa Kanya sa altar ng pag-ibig at

pananampalataya… kung kakalimutan ang makasarili

at

mayabang

,

sila naman ay aalalahanin; hindi maglalaho ang kanilang pangalan. Upang maging masaya tayo mismo, ay dapat mabuhay tayo upang pasayahin ang iba. Nararapat nating ituon ang ating mga tinatangkilik, mga talento, at ating pag-ibig sa mapagpasalamat na debosyon kay Kristo, at sa ganung paraan ay makahanap tayo ng kaligayahan dito at walanghanggang kaluwalhatian pagkatapos nito.”E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 3, cp. 26, p. 250)