/
MGA DAHILAN NG DI-PAGKAKAISA MGA DAHILAN NG DI-PAGKAKAISA

MGA DAHILAN NG DI-PAGKAKAISA - PowerPoint Presentation

disclaimercanon
disclaimercanon . @disclaimercanon
Follow
352 views
Uploaded On 2020-06-30

MGA DAHILAN NG DI-PAGKAKAISA - PPT Presentation

Liksyon 2 para sa ika13 ng Octobre 2018 Nais ng Dios na magkaisa ang Kanyang bayan Ang pagsunod sa kalooban ng Dios ay kailangan sa pagkakaroon ng ID: 790664

mga ang kung dios ang mga dios kung kay israel hindi bayan karunungan iyong iglesia ito tayo anong upang

Share:

Link:

Embed:

Download Presentation from below link

Download The PPT/PDF document "MGA DAHILAN NG DI-PAGKAKAISA" is the property of its rightful owner. Permission is granted to download and print the materials on this web site for personal, non-commercial use only, and to display it on your personal computer provided you do not modify the materials and that you retain all copyright notices contained in the materials. By downloading content from our website, you accept the terms of this agreement.


Presentation Transcript

Slide1

MGA DAHILAN NG DI-PAGKAKAISA

Liksyon

2 para

sa

ika-13 ng

Octobre

, 2018

Slide2

Nais

ng Dios na magkaisa ang Kanyang bayan. Ang

pagsunod

sa kalooban ng Dios ay kailangan sa pagkakaroon ng pagkakaisa. Kung tayo’y nagkakaisa, mapupuno ng kaligayahan at paglago ang Iglesia at maipapangaral ng may kapangyarihan ang ebanghelyo.Sa kasawiang-palad, hindi naging lagging mabuting halimbawa ang bayan ng Dios. Kaya, kailangan nating pag-aralan ang kasaysayan ng bayan ng Dios, upang matuto tayo sa kanilang mga mali at magkaisa ngayon.

Ang bayan ng Israel.Pangangailangan ng pagsunod.Paggawa ng anong gusto ko.Pangangailangan ng karunungan.Ang Kristianong Iglesia.Pagtatangi.Pagkamakasarili.

Slide3

PANGANGAILANGAN NG PAGSUNOD

“At ang

lahat

ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.” (Deut. 28:2)Nagbigay ang Dios ng malinaw ng kondisyon sa pagpasok ng Israel sa Lupang Pangako:Kasaganaan at kapayapaan(Dt. 28:1-14)Labanan at digmaan

(Dt. 28:15-68)Makikita natin ang ganitong disenyo sa kasaysayan ng Israel. Sa kasawiangpalad, mas madalas ang pagsuway kaysa pagsunod.Ganunman, ang Dios ay palaging nasa tabi nila. Nagpadala Siya ng mga propeta upang tawagan silang magsisi dahil mahal Niya ang Kanyang bayan (Jeremias 3:14-15; 31:3).Nais ng Dios na maging sagana, nagkakaisa at malusog ang Kanyang bayan. Magagawa

Niya iyon kung mabubuhay tayo sa pananampalataya at pagsunod.

Slide4

“Kung

lalapit ka kay Hesus at naising damitan ang iyong gawain ng maayos

na

buhay at makadios na pananalita, maiingatan ang iyong mga paa sa paglakad sa ipinagbabawal na mga daan. Kung tanging magbabantay ka, at magbabantay sa pananalangin, kung gagawin mo ang lahat na parang nasa harapan ka ng Dios, maliligtas ka sa pagkatalo sa tukso, at makakaasang maging dalisay, walang dungis, walang bahid hanggang sa huli. Kung pananatiliin mong matibay ang iyong tiwala hanggang sa huli, matatatag ang iyong mga lakad sa Dios; at kung anong sinimulan ng biyaya, kaluwalhatian ang ikokorona sa kaharian ng ating Dios.”

E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 5, cp. 12, p. 148)

Slide5

PAGGAWA NG ANONG GUSTO KO

“Nang mga araw

na yao'y walang hari sa Israel: ginagawa ng bawa't isa ang matuwid sa kaniyang sariling mga mata.” (Hukom 21:25)Sinunod ng mga Israelita ang sarili nilang gusto at sinuway ang utos ng Dios. Gumawa sila ng dalawang malaking pagkakamali:Naglingkod sila sa ibang mga dios (Hukom 2:11-13)Nag-asawa sila ng mga taga-Canaan (Hukom 3:5-7)Kusa silang lumayo sa proteksyon ng Dios. Naghirap ang Israel sa mga digmaan at matinding kasalanan bunga ng kanilang mga desisyon.Dagdag pa nito, hindi naunawaan ng mga Hentil ang tunay na katangian at batas ng Dios dahil sa maling halimbawa ng Israel.Nakakikilabot ang resulta kung gagawin ko ang anong gusto ko. Gumawa tayo ng matibay na desisyon na susundin natin ang kalooban ng Dios mula ngayon.

Slide6

PANGANGAILANGAN NG KARUNUNGAN

“At nang makita

ng

buong Israel na hindi sila dininig ng hari, ay sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? at wala man kaming mana sa anak ni Isai: sa iyong mga tolda, Oh Israel: ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda.” (1 Mga Hari 12:16)Bakit nahati sa dalawang kaharian ang Israel?Si Roboam, anak ni Solomon, ay naghanap ng karunungan sa

maling lugar. Hindi niya pinakinggan ang mga hiling ng kanyang bayan at naging malupit siya.

Saan

ba

tayo makakahanap

ng karunungan para

magkaroon ng tamang

desisyon?Inaanyayahan

tayo ng

Bibilia

na

kumuha

ng

karunungan

, at ang

pagkatakot

sa

Panginoon

ay

pasimula

ng

karunungan

(

Kawiakaan

4:7; 9:10).

Kailangan

lang

nating

hingin

ito

: “

Nguni't

kung

nagkukulang

ng

karunungan

ang

sinoman

sa

inyo

, ay

humingi

sa

Dios,

na

nagbibigay

ng

sagana

sa

lahat

at

hindi

nanunumbat

; at

ito'y

ibibigay

sa

kaniya

.”

(Santiago 1:5)

.

Slide7

Ako’y

kay Apolo, dahil siya’y

mahusay

magsalitaAko’y kay Pablo, dahil nagsasalita siya tungkol sa biyayaAko’y kay Cefas, siya’y nakasama ni HesusAko’y kay KristoPAGTATANGI“Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos

sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.” (1 Corinto 1:10)May pagkakabahagi sa iglesia sa Corinto: ang iba ay kay Pablo, ang iba ay kay Cefas, at ang iba ay kay Kristo.Ang kapatiran sa Corinto ay nakatuon ang mata sa mabubuting tao at kanilang mga

gawa. Nagdudulot ito ng pagkakabahagi.

Ang puso ng pagkakaisa ay si Kristo.

Siya ang ating modelo at dapat sa Kanya nakatuon ang

ating paningin. Kung tayong lahat ay titingin sa krus,

nagkakaisa tayo sa parehong layunin.

Slide8

PAGKAMAKASARILI

“Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan.” (Gawa

20:29)

Binalaan ni Pablo ang iglesia na may mga taong manggugulo upang samantalahin ang Iglesia.Laging merong huwad na mga guro, ngunit malalabanan natin ang kanilang gawa at mapapanatili ang pagkakaisa sa Iglesia.May magandang payo sa 2 Timoteo 2:14-19 at 3:12-17 upang hindi maligaw:Pag-aralan ang Biblia, unawain ito, at ituro ito.Iwasan ang mga walang kwenta at puro teoryang mga paksa. Magsalita tungkol sa kaotohanan.Sundin ang Dios.

Slide9

“Ang

gintong kadena ng pag-ibig, ang magbibigkis sa pagkakaisa ng mga

puso

ng mga mananampalataya, sa bigkis ng pagsasama at pag-ibig, at ng pakikiisa kay Kristo at sa Ama, upang maging sakdal ang ugnayan, at nagdadala sa sanlibutan ng patotoo ng kapangyarihan ng Kristianismo na hindi mapapabulaan...Sumunod ay ang pagkabunot ng pagkamakasarili at ang pagtataksil ay mawawala. Wala nang labanan at paghahati. Walang nang matigas ang ulo sa sinumang nabigkis kay Kristo.”E.G.W. (That I May Know Him, June 16)

Related Contents


Next Show more