/
PAGPIHIT SA MGA PUSO        SA HULING PANAHON PAGPIHIT SA MGA PUSO        SA HULING PANAHON

PAGPIHIT SA MGA PUSO SA HULING PANAHON - PowerPoint Presentation

khadtale
khadtale . @khadtale
Follow
350 views
Uploaded On 2020-08-27

PAGPIHIT SA MGA PUSO SA HULING PANAHON - PPT Presentation

Liksyon 13 para sa ika29 ng Hunyo 2019 Isang hula tungkol sa pagkakasundo Malakias 456 Isang huwaran ng pagkakasundo Elias Si Elias at pamilya 1 Hari 17 Si Elias at ang ID: 804118

mga ang dios elias ang mga elias dios upang niya kanyang tao juan anak kung puso isang hari taong

Share:

Link:

Embed:

Download Presentation from below link

Download The PPT/PDF document "PAGPIHIT SA MGA PUSO SA HULING PA..." is the property of its rightful owner. Permission is granted to download and print the materials on this web site for personal, non-commercial use only, and to display it on your personal computer provided you do not modify the materials and that you retain all copyright notices contained in the materials. By downloading content from our website, you accept the terms of this agreement.


Presentation Transcript

Slide1

PAGPIHIT SA MGA PUSO SA HULING PANAHON

Liksyon 13 para sa ika-29 ng Hunyo, 2019

Slide2

Isang hula tungkol sa pagkakasundo: Malakias

4:5-6

Isang huwaran ng pagkakasundo: EliasSi Elias at pamilya (1 Hari 17)Si Elias at ang Iglesia (1 Hari 18)Ang kaganapan ng hula: Juan BautistaPagkakasundo sa Huling Panahon: Ang kasalukuyang Elias

“Bago dumating ang kaarawan ng Panginoon” si Elias ay pasimbolong darating upang pagkasunduin ang mga magulang sa kanilang mga anak.May mga taong tinawagan upang gampanan ang misyon ni Elias bagpo ang Ikalawang Pagparito ni Jesus.Paano pinag-ayos ni Elias ang mga pamilya? Paano ito ginawa ni Juan Bautista? Paano natin ito gagawin ngayon?

Slide3

ISANG HULA TUNGKOL SA PAGKAKASUNDO

Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon

. At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa.” (Malakias 4:5-6)Mayroong ilang dimensyon tungo sa pagkakasundo sa hulang ito:

Slide4

SI ELIAS AT PAMILYA

Ikaw ay bumangon, paroon ka sa Sarepta, na nauukol sa Sidon, at tumahan ka roon: narito, aking inutusan ang isang

baong babae roon na pakanin ka.” (1 Hari 17:9)Tinawag si Elias upang ikondina ang sitwasyong iyon, at kinailangan niyang tumakas at iligtas ang kanyang buhay.Nang lumala ang tagtuyot, pinakilala siya sa balo na nagpatuloy sa kanya.Matibay ang pananampalataya niya (Lucas 4:26), ngunit inisip niya na ang pagkamatay ng kanyang anak ay bunga ng sarili niyang mga kasalanan (Micas 6:7).Kayang ibalik ng Kapangyarihan ng Dios ang pamilya, at bumangon muli sa kanilang mga puso ang pananampalataya sa Dios at sa Biblia.Tinalikuran ng kaharian ng Israel ang Dios. Pinalitan nila ang mga aral ng makabagong pag-aasawa, ang pamilya at malusog na sekswalidad ng mga kagawiang humihikayat ng prostitusyon, incest at sekswal na kabuktutan.

Slide5

SI ELIAS AT ANG IGLESIA

“At

sinabi ni Elias sa buong bayan, Lumapit kayo sa akin; at ang buong bayan ay lumapit sa

kaniya. At kaniyang inayos ang dambana ng Panginoon na nabagsak.”(1 Hari 18:30)Ang unang hakbang ni Elias ay anyayahan ang mga taong lumapit sa kanya. Inaanyayahan din tayo ni Jesus na lumapit sa Kanya (Mateo 11:28).Ikalawa, inayos niya ang dambana. May mga dambana bang dapat maibalik sa iyong buhay? Kamusta ang iyong pampamilyang dambana?Sa huli ay napagkasundo ang mga tao sa Dios, at bumuhos ang mga pagpapala.Sa huli, bumaba ang apoy sa oras ng paghahandog sa hapon. Hindi bumaba ang apoy sa mga makasalanan, ngunit sa alay [Jesús]. Ang mga tao [ang Iglesia] ay nagpuri at tinalikuran ang kasalanan [kaya pinatay ang mga bulaang propeta].

Slide6

JUAN BAUTISTA

“At kung

ibig ninyong tanggapin, ay siya'y si Elias na paririto.”(Mateo 11:14)Tinupad ni Juan ang kanyang misyon sa pagpapanumbalik sa pangangaral ng dalawang prinsipyo:Pagsisisi (Mateo 3:1-2)Pagbabago ng ugali (Mateo 3:8)

Pinangunahan ni Juan ang mga taong maipagkasundo muna sa Dios. At sa Kanyang tulong, ay hanapinang kabanalan (gaya ng alam ng kanilang ninuno).Kung mababago ang ating ugali, magiging magkasundo din tayo sa iba.Ganito inihanda ni Juan ang iba upang tanggapin ang Tagapagligtas. Napakamatagumpay niya na mismong ang mga alagad niya ay iniwan siya upang sumunod kay Jesus (Juan 1:35-37).

Slide7

ANG KASALUKUYANG ELIAS

“At

siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at

ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda.”(Lucas 1:17)Ang ating Ama sa langit ay pinabalik sa Kanya ang mga puso ng Kanyang mga anak at pinabalik ang mga puso ng Kanyang mga anak sa isa’t-isa sa pamamagitan ng Krus ni Kristo. At ibinigay Niya ang paglilingkod ng pagpapanumbalik sa atin (2 Corinto 5:18).Dapat nating ihanda ang mga tao na sumalubong kay Jesus sa Ikalawa Niyang Pagdating.Hindi maibibigay ang mensaheng ito kung hindi isasakabuhayan ng mga mensahero.Ang pinakamakapangyarihang patotoo ay isang personal at pampamilyang buhay na nagpapakita ng pagsisisi, tunay na pagbabago, pag-ibig at tunay na pagkalinga sa iba.

Slide8

“Kung bilang

mga

tao ay tumutugma ang ating mga gawa sa ating propesyon, mas marami pa tayong magagawa kaysa ngayon. Kung meron tayong mga taong kasingdeboto ni Elias, at may pananampalatayang gaya niya

, makikita natin na magpapahayag ang Dios sa atin gaya ng ginawa Niya sa mga banal noong una. Kung may mga tao tayo, alam ang kanilang mga kahinaan, ay magsusumamo sa Dios na may masidhing pananampalataya gaya ni Jacob, ay makakakita tayo ng parehong resulta. Darating ang kapangyarihan ng Dios sa tao upang tugunin ang panalangin ng pananampalataya. […] Dapat tayong magkaroon ng bagong paglilingkod, at makikita natin ang liwanag ng Dios at ang Kanyang kapangyarihang tumutulong sa ating mga pagsisikap.”E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 4, p. 402)

Slide9

“Ngayon, sa

espiritu at kapangyarihan ni Elias at ni Juan Bautista, tinatawagan ng mga mensaherong itinalaga ng Dios ang mundong malapit nang hukuman na pansinin ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagsarado ng pintuan ng awa

at ang paghayag ni Kristo Jesus bilang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. Malapit nang hukuman ang bawat tao sa mga gawang ginawa sa katawan. Dumating na ang oras ng paghuhukom ng Dios, at sa mga kaanib ng Kanyang iglesia sa lupa nakaatang ang tungkulin upang bigyan ng babala ang mga nakatayo sa bingit ng walang hanggang pagkasira. Dapat pasimplehin ng bawat taong magpapaunawa ang mga prinsipyong nakataya sa malaking tungalian, mga prinsipyo na kung saan nakabatay ang kahihinantnan ng lahat ng tao.”E.G.W. (Prophets and Kings, cp. 59, p. 716)

Related Contents


Next Show more